Ang pinakaunang post ko ng FEATURED SOMETHING ay tungkol ky Vice Ganda o Jose Mari Viceral sa totoong buhay.
Ng una ko siyang nakita sa telebisyon ay hinangaan ko na sya. Sa totoo lang hindi ko na matandaan kung saang programa ko siya unang nakita dahil sa tuwing lalabas siya sa TV ay kapansinpansin talaga ang lahat ng kanyang ginagawa at dahil dun, hindi na nagkasya ang lahat ng ginawa niya sa utak ko.
Isa sa kapansinpansin at hinahangaan ko ky Vice ay kanyang kakayahang mag-isip ng mabilis. I'm sure napapansin niyo din naman 'yon. Ang kakayahang iyon ay gustong-gusto ko talagang matutunan.
Isa din sa kahanga-hanga ky Vice ay ang kanyang pagiging bakla. Kasi nga pareho kaming my dugong berde.Hahaha... Sa kabila nga nito ay nagawa pa rin niyang makatungtong kung naasaan man siya ngayon. Dahil dun, alam kong marami siyang naiinspire na mga katulad namin at isa na ako dun.
Hindi din natin maipagkakaila ang kanyang kasikatan ngayon. Patunay dito ang mga napakaraming fans niya sa facebook na humigit isang milyon na which made him the first Pinoy celebrity na magkaroon ng sobra isang milyong fans sa nabanggit na social networking site.
Isa sa pinaka'di malilimutang episode ng programang SHOWTIME kng saan parte si Vice bilang isang hurado ay nang magcelebrate siya ng kanyang birthday dun. Nagperform siya at kumanta na dedicated sa kanyang ina. Napaluha talaga ako that time. Nang pumunta ako sa fan page niya ay maraming nagreact at nagsabing napaluha rin.
To Vice, I know you deserve the spot where you are now. Continue to inspire and touch other people's heart and most importantly don't forget to thank the Almighty for all the blessings given to you. Continue healing us kase nga 'di ba, "laughter is the best medicine".
No comments:
Post a Comment