Friday, April 16, 2010

kpop update: nagtapos na daw!

Anu nga ba ang nagtapos? Ito na! Ito na talaga! Ang paghahanap ng lollipop girl ng Big Bang, nagtapos na. May mahigit sampung libong babaeng nag audition, ngunit iisa lamang ang makakakuha ng korona! Wapak! Bongga diba? Nagkaroon umano ng mga challenges, serye ng photoshoots, at iba pa sa kompetisyon. Kaya naman pala napakarami ng nag-audition dahil sa premyong sampung milyong won o kung iko-convert sa dolyar(US) ay mahigit kumulang sampung libo at kung ikoconvert naman sa Peso(PH) ay mahigit kumulang kalahating milyon. Isa din sa mga matatanggap ng napiling babae ay ang chansang makatrabaho ang Big Bang. Sa huli, ang babaeng nakakuha ng atensyon ng mga hurado at mga madlang people ay ang 23 anyos na si Jang Minbyul!

CONGRATULATIONS..!

No comments:

Post a Comment